Ilang lingo rin ang lumipas mula ng
magbakasyon ang lahat
Kabila kabilang kainan,regalo at
aguinaldo ang natanggap
Masayang ipinagdiwang pasko at bagong
taon
Kapiling ang pamilyang hindi mabubuwag
ng anomang hamon.
Pero lahat ng yan ay may katapusan
Dahil balik eskwela nanaman
Kaya agad bumalik ng bicol
January 02,2018 ay back to school.
Pagdating sa bahay agad akong nag
plantsa,
Nag ayos ng gamit sa eskwela
Sa pagpasok ako ay ready na
Kaya lang si gov nag anunsyo pa
Pasok daw ay suspndido na
Dahil kay TD AGATON na bumisita pa.
Balik eskwela na sana
Kaya lang naudlot pa
Miss na miss ko na ang tropa
Pati na ang baon na bigay ni papa.
Sana naman bukas may pasok na
Para mga classmates ko makita ko na
Miss ko na silang lahat
Walang halong kasinungalingan,nagsasabi
ako ng tapat,
No comments:
Post a Comment