Nanginginig, nangangatal at namumutla
Kaba ang nanguna ng kayo'y makita
Maging ang pagtingin ay dina namin magawa
Di na alam kung paano magsisismula.
Mahirap sa umpisa
Pero habang tumatagal na
Kaba ay unti unti nang nawawala
At napapalitan na nang mga ngiti sa mukha.
Nakakatuwang isipin na natapos na
Ilang gabi nang pagpupuyat , nagbunga na
Maraming salamat kami ay nakapasa
Ngiting tagumpay aming nadarama
Salamat sa tulong ng Dios na lumikha.
Ngiting tagumpay aming nadarama
No comments:
Post a Comment