Saturday, December 9, 2017

PANYAPAK



sa gitna ng dilim kami'y naglakad
sa putik paa nami'y nakababad
unti unti ang pag usad
baka madulas katawan pa namin ay bumaliktad.

sa kabila nito ay ang tawanan at takutan
hindi alam kung sino ang kakapitan
basta ako dun sa taong nagpaka gentleman
at sa paglalakad ako ay inalalayan
pero syempre kami lamang ay magkaibigan.

nang sa dulo ay makarating na
labis labis ang tuwang nadarama
kanya kanya ng punas mga paa ay ipinakita
mga panyapak ay kaydudumi na.

dating puti ngayon ay tsokolate na
bagong linis ngayon ay maputik na 
dating bago ngayoy mukhang luma na
pero okay lng basta kami ay sama sama.





No comments:

Post a Comment

#NGITING TAGUMPAY

Nanginginig, nangangatal at namumutla Kaba ang nanguna ng kayo'y makita Maging ang pagtingin ay dina namin magawa Di na alam...