Ano nga ba ang pasko para sayo
Ito ba ay ang mga regalo sa ilalim
christmas tree?
Mga ilaw na patay sindi?
Mga card na pinapadala?
Noche buena kasama nag pamilya?
O mga medyas na nakasabit sa sala?
Ito ba talaga ang pasko?
Kung yan ang pasko sayo
Nakakalungkot pero hindi yan totoo
Masyado na kasing nagiging
commercialized ang pasko
Shopping dito,shopping doon
Christmas sale dito,christmas sale
doon
Party dito,party doon
Exchange gift ditto exchange gift doon
kung ano ano na lang na iisip ng mga tao
Pero nakaligtaan ang tunay na diwa
nito
Naranasan mo na ba ito?
Yung tipong ikaw yung may kaarawan
Pero sila ay wala sayong pakialam
Na sa halip ikaw ang mapansin
Hindi dahil sa ibang bagay sila
nakatingin
Diba ang sakit?
Ang tindi,ang pait.
Yung iba sa atin pag bumabati ay
ganito:merry x mas!
Ha?x-mas? Yung dahilan kung bakit may
pasko ay binabalewala
D maisulat ang buong salita?
Christmas,c-h-r-i-s-t-m-a-s ,
Siyam na letra,nahihirapan ka pa?
Pero aminin na natin sa hindi. Ito ang
kadalasang eksena tuwing pasko
Sine-celebrate natin ang pasko
Pero nakakalimutan natin ang celebrant
nito.
No comments:
Post a Comment