Monday, December 18, 2017

TUNAY NA DIWA NG PASKO (#1)

Sa gitna ng malamig na gabi
Nagtatalo ang isip at puso sa kung ano ang sinasabi
Ng mga tao ,sa tunay na diwa ng pasko
Si santa claus ba o si Kristo ang centro nito

Marami na ang naliligaw ng landas
Tunay na diwa ng pasko ay unti unti nang kumukupas
Marami na ring dahon ang nalalagas
Pero tao’y nakakalimot na sa poong nasa taas

Marahil nagtataka ka kung bakit may pasko
Pero isa lang ang dahilan nito
Ito ay si Hesu Kristo
Si Hesu Kristo na ibinuwis ang buhay nya para sayo

No comments:

Post a Comment

#NGITING TAGUMPAY

Nanginginig, nangangatal at namumutla Kaba ang nanguna ng kayo'y makita Maging ang pagtingin ay dina namin magawa Di na alam...