Pagkagising ko sa umaga, akoy nag ayos na
Naligo,kumain,nagbihis at pumasok sa eskwela
Sa daanan nakita kita at may kung anong bagay akong nadama
Nang sa silid aralan ay nakarating na
Magandang umaga bati ko sa kanila
Ngiti sa mga labi ko kanilang nakita
Kasi nga akoy masaya tunay na masaya
Hindi ko na yun ikakaila pa.
Nagdaan ang maghapon
Uminit man at umambon
Ngiti sa mga mata ko ay naroon
Dahil sa kaligayahang tinataglay ko ngayon.😊
No comments:
Post a Comment